Ang mga minoryang senador na sina Antonio Trillanes, Franklin Drilon, Risa Hontiveros at Francis Pangilinan na lumalabas mula sa Custodial Center ng Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City makaraang bisitahin nila ang nakakulong doon na si Senador Leila de Lima.
Boy Santos
Paglahok ni De Lima sa Senate session hihilingin sa korte
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Balak hilingin ng mi­norya ng Senado sa korte na payagan si Senator Leila de Lima na makadalo sa sesyon kapag may tinatalakay na mahahalaga at kritikal na mga panukalang batas.

Dinalaw kahapon ng apat na senador na ki­nabibilangan nina Senate minority leader Franklin Drilon, Senators Francis “Kiko” Pangilinan, Antonio Trillanes  IV at Risa Hontiveros si de Lima sa kulungan nito sa Philippine National Police custodial center.

Ayon kay Drilon, mag­hahain sila ng petisyon sa Muntinlupa Regional Trial Court para payagan si de Lima na makadalo sa sesyon kapag isinalang na ang tungkol sa panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan, pagpapababa ng edad na maaring sam­pahan ng kaso, at pagpapaliban sa nalalapit na barangay elections.

Sa ipinalabas ng pahayag, sinabi ni de Lima na natutuwa siya na makita ang mga kasamahan sa minorya.           

Napag-usapan umano nila ang ilang mahahalaga at seryosong isyu bagaman at mayroon ding mga nakakatuwa.

Sinabi pa ni de Lima na kinumusta siya ng mga kasamahan at nakatitiyak siyang nakita naman ng mga ito na mas relaxed at stress-free siya kahit pa nakakulong.

Kabilang umano sa mga napag-usapan ang mga legislative agenda ng minorya at kung anu-anong panukalang batas ang kanilang susuportahan.

Tiniyak din ni de Lima na walang napag-usapang planong destabilisasyon.

 

DE LIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with