LRT, MRT may libreng sakay ngayon
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Magandang balita para sa mga manggagawa dahil pagkakalooban sila ng pamunuan ng tatlong mass train system sa bansa ng libreng sakay ngayong araw, Labor Day.

Ayon sa pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 at Line 2, at ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-115 anibersaryo ng Araw ng Paggawa.

Batay sa anunsyo ng LRT 1, LRT 2 at MRT 3, ang libreng sakay ay ipatutupad mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Layunin nito na kilalanin ang malaking kontribusyon ng mga manggagawa sa bansa.

Kinakailangan lamang umanong magprisinta ng identification card ng mga manggagawa upang makapag-avail ng libreng sakay. 

LIGHT RAIL TRANSIT LINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with