^

Bansa

P1 M reward sa Sayyaf gamitin na lang sa intel

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hiniling ng isang kongresista kay Pangulong Duterte na gamitin na lamang sa intelligence gathering ang P1 milyong pabuya para sa mga mi­yembro ng Abu Sayyaf na mahuhuli at mapapatay sa gitna ng opensiba laban sa nasabing grupo.

Ayon kay Anak Mindanao Rep. Makmod Mending Jr., na hindi epek­tibo ang ganitong reward system laban sa ASG.

Paliwanag pa ni Men­ding, maaaring may ku­magat sa P1 milyon kapalit ng bawat terorista, buhay man o patay subalit sadyang mahirap nang hantingin ang mga ito.

Bukod sa wala uma­nong permanenteng kuta ang ASG ay mabilis ang kanilang mobilisasyon, kayang mamundok o kaya ay tumakas gamit ang kanilang mga speed boats.

Kaya payo ni Men­ding, gamitin na lamang ang salaping ilalaan sa reward para palakasin pa ang intelligence gathering upang masiguro na tiyak ang mga impormasyong pinagbasehan laban sa teroristang grupo.

Idinagdag pa ng kongresista na mas mabuting mahuli ng buhay ang mga miyembro ng ASG para magbayad ang mga ito sa batas at maituro din ang kanilang mga kasamahan at maaari pang maidetalye ang operasyon ng kanilang organisasyon.

INTELLIGENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with