Senglot na kelot kinuyog na tinarakan pa
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sa ospital bumagsak ang isang binata na pinagtulungang bugbugin ng mga tambay nang makatulog ito sa bangketa at habang naglalakad papuntang barangay oupost upang magreklamo ay may sumaksak pa sa kanya, sa Tondo, Maynila kamakalawa (Biyernes Santos).

Ginagamot pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center  (GABMMC) ang biktimang si Antonio Calavio, residente ng no. 224 Dandan St., Tondo,  bunsod nang tinamong isang tama ng saksak sa likod.

Isa sa mga suspek ang nakilala sa alyas na “Christian” na residente umano ng Barangay 123. sa Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 1, alas-8:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Dandan St., sa Tondo.

Nabatid na bago ang pananaksak, la­sing umano ang biktima kaya ‘di na umabot sa bahay at nakatulog sa bangketa sa CP Garcia St., sa Tondo.

Nang makita umano ng mga tambay na nakatulog sa kanilang teritoryo ang biktima ay binugbog ito hanggang sa magpasiyang mag­reklamo muna sa nakasasakop na barangay subalit hindi pa nakararating sa barangay outpost ng Barangay 116, ay patraydor naman siyang sinaksak sa likod ni alyas “Christian”.

Nakahingi ng saklolo ang biktima sa kaanak na nagdala sa kaniya sa pagamutan.

SENGLOT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with