2 bugbog-sarado, 1 tinarakan
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sugatan ang magkapatid na lalaki at isa pang kaibigan matapos kursunadahin  ng isang grupo ng kabataang lalaki habang naglalakad pauwi mula sa isang party, sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina John Mark Moncada, 18, at kuya na si Joseph Anthony, 20, kapwa residente ng Building 33, Unit 54, Temporary Housing, Vitas, Tondo, at kaibigang si alyas ‘Jaw-jaw.’

Sa ulat ng Manila Police District-Station 1, dakong  alas-4:09 ng madaling araw nang manggaling sa isang party ang tatlong biktima nang harangin ng ‘di kilalang mga suspek na pawang kabataan ang tatlo sa Raxabago St., sa Tondo at pagtulungang bugbugin.

Nagawa ring makaiwas ng dalawa kahit puro galos at pasa na subalit nawalan ng malay si John Mark dahil tinamaan siya ng saksak.

Binalikan na lamang ng dalawa si John Mark nang wala na ang mga suspek at dinala sa Tondo Medical Center.

TINARAKAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with