Sa darating na pasukan San Juan City studes ‘di na magsisiksikan
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi na magsisiksikan ang mga senior high school students sa Pinaglabanan Elementary School at Polytechnic University of the Philippines (PUP) San Juan City Campus sa darating na pasukan.

Ayon kay San Juan City Mayor Guia Gomez, makukumpleto na ngayon ang konstruksyon ng bagong senior high school building ng lungsod.

Sinabi ni Gomez, nangako sa kanya ang kontraktor ng mga school building na tatapusin nito ang konstruksyon ng mga gusali bago magsimula ang pasukan ngayong taon upang kaagad na magamit ng mga mag-aaral.

Binalaan ng alkalde ang kontraktor na pagmumultahin kung hindi matatapos ang ginagawang gusali sa nakatakdang deadline nito.

Umaasa naman si Gomez na sa susunod na school year ay makakalipat na sa naturang bagong gusali ang mga Grade 11 at 12 students upang maging mas kumportable sila sa kanilang pag-aaral.

Nabatid na sa 12 classroom ng Pinaglabanan Elementary School nagsiksikan nitong School year 2016-2017, ang may 400 na Grade 11 students nila habang ang mahigit 100 iba pa ay nasa PUP San Juan Campus naman.

Nabatid na ang naturang school building project ay ginastusan ng Department of Education, habang ang lote, na malapit sa bagong city hall sa Pinaglabanan, ay pagmamay-ari naman ng city government.

Target ng alkalde na bago matapos ang kanyang termino ay matugunan niya ang classroom congestion at overcrowding sa lungsod.

PASUKAN SAN JUAN CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with