Benham gagawing Phl Rise
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 2, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Balak ng gobyerno na baguhin ang pangalan ng Benham Rise at gawin itong Philippine Rise upang mabigyang diin na ang Pilipinas ang may karapatan dito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang Department of Foreign Affairs at ang Office of the Executive Secretary ang naatasan na tingnan ang panukala.

Dapat aniyang magkaroon ng “emphasize” na ang Pilipinas ang may sovereign right sa Benham Rise.

“The DFA and Office of the Executive Secretary have been tasked to look into the possibility of changing the name of ‘Benham Rise’ to ‘Philippine Rise’ to emphasize Philippine sovereign rights and jurisdiction over the area,” anang statement ni Abella.

Ayon kay Abella, isinulong ang pagpapalit ng pangalan ng Benham Rise sa ginawang joint AFP-PNP Command Conference sa Malacañang na dinaluhan ni Pangulong Duterte noong Biyernes ng gabi.

“A motion has been made subject to the conduct of the requisite legal and logistical study to effect the change,” ani Abella.

Nauna rito, sinabi ni Duterte na hindi interesado ang China na angkinin ang Benham Rise bagaman at sa nakaraang pagdinig sa Senado, sinabi ng Deparment of Foreign Affairs na dalawang beses nag-aplay ang China para makapagsagawa ng pagsasaliksik sa nasabing lugar.

Noong 2012, kinumpirma ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf (UNCLCS) na ang Benham Rise ay bahagi ng continental shelf ng Pilipinas.

BENHAM RISE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with