^

Bansa

3 pang kinidnap na Malaysian nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo pang bihag ng ASG na Malaysian ang nasagip sa operasyon ng tropa ng mga sundalo sa kagubatan ng Sulu.

Ito ang kinumpirma kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo, Año kaugnay ng matagumpay na pagkakasagip sa bihag.

Kinilala ang tatlong nasagip na bihag na sina Zulkipli bin Ali, Mohammad Ridzuan Bin Ismail at Fandy Bin Bakran.

Bandang alas-11:30 ng gabi ng mailigtas ng mga elemento  ng Army’s 63rd Infantry Battalion (IB), Marines and Naval Intelligence and Security Group (NISG)  ang mga bihag sa bisinidad ng kagubatan ng Brgy. Jinggan, Panglima Estino, Sulu.

Ang mga nasagip na bihag ay agad na dinala sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista (KHTB) sa Jolo, Sulu at isinailalim sa medical check-up.

 Sinabi ni Año na dahilan sa military pressure ay napilitan ang mga kidnappers na pakawalan ang mga bihag na Malaysians.

 Nito lamang nakalipas na Huwebes  ng nakaraang linggo ay nailigtas ng mga elemento ng Joint Task Force Sulu  ang dalawang hostage na Malaysian mula sa Abu Sayyaf.

 “I think military pressure is working, and number two, denial of ransom money,”  ani Año na tinukoy ang grupo ni Abu Sayyaf Sub Commander Alhabsy  Misaya  na siyang may hawak sa nasabing Malaysian.

 “We are developing more target packages to rescue other remaining foreign hostages or kidnap victims as well as local victims,” anang Chief of Staff.

Inihayag ni Año na sa kasalukuyan ay nasa 27 na lamang kabilang ang 20 dayuhan na karamihan ay mga Vietnamese at pitong Pinoy ang hawak na bihag ng mga bandido.

 “We owe it to our sailors, marines, airmen and soldiers on the ground who are really sacrificing a lot in doing their job for the interest of our country,”  ang sabi pa ng opisyal kaugnay ng patuloy na  search and rescue operations sa mga bihag.

MALAYSIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with