2 Abu Sayyaf utas sa encounter, 1 pa tiklo
Rhoderick ­Beñez, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang napaslang habang isa pa ang nasakote sa magkakahiwalay na operasyon ng militar sa lalawigan ng Basilan, ayon sa opisyal kahapon.

Ayon kay Captain Jo-Ann Petinglay, Spokesperson ng AFP-Western Mindanao Command ,  ang opensiba ay nagresulta rin sa pagkakabawi ng limang bangkang de-motor na  pinaniniwalaang gamit ng mga bandido sa isinasagawa ng mga itong kidnapping for ransom  at iba pang uri ng terorismo.

Sinabi ni Petinglay dakong alas – 7:45 ng umaga kamakalawa nang mapaslang  ang mga bandidong sina Bistahan Nisalun alyas Upang –Upang at Jaudi Salipuddin; pawang mga tauhan ni Abu Sayyaf Sub Commander Mike Usman.

Ayon kay Petinglay, pinaputukan ni Nisalun ang tropa ng mga sundalo na nag­resulta sa shootout na siyang ikinamatay ng mga suspek.

Bandang alas–9 naman ng umaga  nang masakote ng tropa ng Army’s 64th Infantry Battalion  na nagsagawa ng air strike operation ang isa pang bandido na si Rolly Ikih, 47, may warrant of arrest sa kasong robbery at arson.  Nasamsam  mula sa suspek ang isang cal 45 pistol at mga bala.

Sa pursuit operation naman sa mga miyembro ng Abu Sayyaf na sangkot sa seajacking at pagdukot sa dalawang tripulante sa Sibago Island noong Huwebes  sa pagitan ng Basilan at Zamboanga City ay napuruhan  sa shotoout ang bandidong si Salipuddin.

Samantalang binawian  naman ng buhay habang  isinusugod sa pagamutan si Salipuddin na nakumpiskahan naman ng isang 16 automatic rifles at nasamsam rin ang mga bangkang de-motor na gamit ng mga bandido.

ABU SAYYAF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with