_ngayon
^

Bansa

Higit 60K housing ng NHA ’di natitirhan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Paiimbestigahan ni Sen. JV Ejercito sa Senado ang diumano’y mahigit na 60,000 housing units na itinayo ng National Housing Authority (NHA) pero hindi naman natitirhan.

Sa resolusyon na inihain ni Ejercito, sinabi nito na ang mahigit na 60,000 units ay itinayo sa iba’t ibang panig ng bansa pero hindi naman natitirhan at ang iba ay nasisira na lamang.

Ayon kay Ejercito, sa ilalim ng Executive Order No. 90, ang NHA ang nag-iisang ahensiya ng gobyerno na binigyan ng kapangyarihan para sa ‘direct shelter production’.

Layunin ng NHA na magbigay ng housing assistance sa mga mahihirap na income earners upang magkaroon sila ng sariling tahanan lalo na yong mga nasa slum area.

Kabilang sa flagship projects ng NHA ang housing program para sa Informal Settler Families (ISFs) na nakatira sa mga delikadong lugar at ang AFP/PNP Housing Program.

Sa ulat ng NHA nasa 13,328 units ang naitayo para sa housing program sa ilalim ng ISFs sa ‘danger areas’ sa Pandi, Bulacan pa lamang kung saan 9,380 units na ang naokupa ng mga beneficiaries at 3,948 ang wala pang tumitira.

Para sa AFP/PNP housing program sa Pandi, Bulacan, kabuuang 2,300 units ang naitayo at 300 pa lang ang okupado at 2,000 ang walang tumitira.

Noong Marso 8, 2017, inokupa ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) isang urban poor group, ang mga bakanteng housing units ng NHA sa munisipalidad ng San Juan del Monte at Pandi, Bulacan.

Ayon sa grupo, layunin ng kanilang aksiyon na matawag ang atensiyon ng gobyerno para masolusyunan ang matagal ng problema ng pabahay para sa mga mahihirap.

Sinabi ni Ejercito, ma­ha­lagang magkaroon ng inventory sa mga housing units na hindi naman natitirhan upang maibigay kaagad ito sa mga kuwa­lipikadong mahihirap na beneficiaries para hindi masayang ang pondo ng gobyerno sa pagpapagawa ng mga ito.

JV EJERCITO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with