3 huli sa shabu
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2017 - 10:31pm

MANILA, Philippines -  Arestado ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng QC Police ang tatlong katao matapos na mahulihan ng shabu sa Brgy. Commonwealth sa Quezon City, kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Enrique Miguel, Pablo at Marvin Dayao residente ng Brgy. Commonwealth QC.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya ang tatlong naaresto ay una nang sumuko sa ‘Oplan Tokhang’ ng PNP pero muling bumalik sa kanilang ilegal na gawain kung saan sinalakay ng pulisya ang kanilang bahay sa Brgy. Commonwealth at naaktuhan ang mga ito na gumagamit ng shabu.

Narekober ng pulisya mula sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia. Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.

SHABU
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with