TESDA officials, employees pasado sa drug test
TESDA officials, employees pasado sa drug test
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Naging matagumpay ang kampanya ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na maging drug-free ang ahensiya matapos na magnegatibo sa isinagawang drug test ang mga opisyales at empleyado nito.

Pinangunahan ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong ang pagsasagawa ng random drug testing sa TESDA Central Office, TESDA National Capital Region (NCR) at TESDA Region 4-A o Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Ri­zal-Quezon) area.

Base sa ulat na nakarating kay Mamondiong, sa 211 napi­ling sumalang sa drug test ?ay 181 (85.78%) sa mga ito ang nakakumpleto sa pagsusuri at naging negatibo ang resulta habang ang natitira sa naturang bilang ay nakatakdang sumailalim sa mandatory random drug testing ng ahensiya sa itatakdang petsa.

Ayon kay Mamondiong, ang surprise mandatory random drug testing ay bilang pagsunod sa Board Regulation ng Dangerous Drugs Board at Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kung saan ay naglabas din ang TESDA ng Circular No. 52 para sa policies and guidelines.

Ang mga empleyadong nasa labas ng tanggapan na hindi nakasama sa drug testing ay isasalang sa pagsusuri sa East Avenue Medical Center anumang petsa ngayong taon.

Kabilang naman sa mga tanggapan ng TESDA na nagsagawa rin ng drug testing sa kanilang mga em­pleyado ay ang Region I (252 employees o 87.20%), Region IV (322 o 70%), Region VII (235 o 92.52%), Region X (317 o 89.04%) Region XII (27 o 15.17%) na pawang may mga negatibong resulta sa drug test.

TESDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with