Marine arestado sa rape
MANILA, Philippines - Bagsak kalaboso ang isang kasapi ng Philippine Marine Corps matapos na ireklamo ng panggagahasa ng isang 20-anyos na dalaga sa isang transient house sa Upper Calarian, Zamboanga City.
Kinilala ang suspek na si Pfc. Jeffrey Gambita, 27, ng 72nd Marine Corps at residente ng Cabatangan, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi noong Marso 1 at kinabukasan bandang alas-7:20 ng umaga nitong Marso 2 sa loob ng isang transient sa Upper Calarian ng lungsod.
Sa salaysay ng biktima, nag-videoke umano sila ng nasabing sundalo at nang paalis na sa lugar ay hinila siya nito saka puwersahang hinalay noong gabi ng Marso 1 kung saan naulit muli kinabukasan ng umaga.
- Latest