^

Angel Manalo at 31 iba pang tiwalag sa INC, arestado

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2017 - 10:08pm

MANILA, Philippines -  Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) si Angel Manalo, ang itiniwa­lag na miyembro ng Iglesia ni Cristo at iba pang kalalakihan matapos ihain ang search warrant laban dito sa kasong indiscriminate firing kahapon ng umaga.

Ayon sa inisyal na ulat, si Manalo ay inaresto sa bisa ng search warrant na inisyu ng QC Reginal Trial Court  dahil sa indiscriminate firing, sa kanilang tahanan sa Tandang Sora, dakong alas-9:30 ng umaga.

Diumano, isinilbi ang search warrant bunga ng insidente na nangyari noong February 27 ng pagpapaputok ng baril sa loob ng kanilang compound sa Tandang Sora.

Dahil dito, humingi uma­no ng search warrant ang QCPD sa korte na napagbigyan naman  dahilan para isilbi kay Angel Manalo at    ito ay maaresto.

Gayunman, habang nagaganap ang pag-aresto ay nagkaroon pa ayon sa QCPD ng indiscriminate firing kung saan dalawang awtoridad ang sugatan.

Nakarekober din ng pulisya ng mga armas na ngayon ay biniberipika pa ng QCPD kung lisensiyado.

Patuloy ang isinagawang imbestigasyon sa kaso.

ANGEL MANALO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with