Hirit na TRO ni de Lima ‘di pinagbigyan ng SC
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Nabigo ang kampo ni Sen. Leila de Lima na makakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa Korte Suprema kaugnay ng umano’y iligal na paghuli at pagdetine sa senadora.

Sa halip, inatasan ngayon ng Supreme Court (SC) ang panig ng pamahalaan na magkomento sa isinampang petition ng senadora na humihiling na mapawalang bisa o maharang ang ipinalabas na kautusan ni Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) branch 204 Judge Juanita Guerrero.

Binigyan ng SC ang pamahalaan na siyang tumatayong respondent sa petition ni Sen. de Lima ng 10 araw lamang o hanggang March 10 para maihain ang kanilang komento.

Kaugnay nito, itinakda naman ng SC ang isang oral argument sa kaso ni de Lima sa darating na Marso 14.

Lunes nang maghain ng petition for certiorari and prohibition with application for a writ of preliminary injunction at urgent prayer for temporary restraining at status quo ante orders  ang mga abogado ni de Lima kung saan kinukuwestiyon ang hurisdiksiyon  ng Muntinlupa RTC Branch 204 sa paghawak ng drug charges ng senadora.

Inutos ni Guerrero ang pag-aresto kay de Lima matapos makitang may probable cause sa paglabag nito sa RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Kasalukuyang nakapiit si de Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

LEILA DE LIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with