Tigil pasada ikinasa sa Peb. 27

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ikinasa ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), Stop and Go Coalition at ng No To Jeepney Phase-out Coalition (NJPOC) ang malawakan at ma­lakihang transport holiday sa buong bansa sa darating na Lunes, P?ebrero 27.

Sinabi ni Goerge San Mateo, national president ng Piston, layunin ng pagkilos ng may mahigit 200,000 miyembro sa bansa na kondenahin ang planong jeepney phaseout at jeepney corporation plan ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ayon kay San Mateo, dapat ay bumuo muna ng mekanismo ang pamahalaan ng mga paraan kung paano matutulungan ang mga operator ng jeep na maaapektuhan ng 15 year-old jeepney phase out ngayong taon.

Sakaling ipatupad na ang jeepney phaseout, maraming maliliit na driver ang magugutom ang mga pamilya dahil mawawalan ng kita sa araw-araw.

Nais ng Piston na makialam sa usaping ito si Pangulong Duterte upang mabigyan ng ayuda ang libo-libong mamamayan na mawawalan ng hanapbuhay dahil sa phaseout.

 

TIGIL PASADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with