Ex-foreman kinatay sa diskuhan
Jonie Capalaran (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2017 - 12:00am

BATAAN , Philippines  – Pinabulagta ang 41-anyos na dating foreman ng gasolinahan matapos itong pagtulungang pagtatagain ng tatlong kalalakihan sa idinaos na diskuhan sa open court sa Sitio Tacloban, Barangay Lucanin sa bayan ng Mariveles, Bataan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa mukha at leeg ang biktimang si Alfredo Eublera, may-asawa, ex-foreman sa Oil Jetty sa Sitio Hardin sa Barangay Lucanin.  Sa pagsisiyasat ni PO3 Charlston Valenzuela, kasama ng biktima ang tatlong kaibigang sina Judemar Galit, Alfredo Ruiz, at Bonifacio Basay Jr. na dumalo sa diskuhan. Makalipas ng ilang oras na inuman ay lumapit ang ilang kalalakihan na nakihalubilo sa kanila. Gayunman, nagpaalam na ang tatlong kaibigan kung saan naiwang mag-isa ang biktima at ilang lalaki na nakipag-inuman din. Gayunman, kinaumagahan ay natagpuan ang duguang katawan ng biktima sa madamong bahagi ng nasabing lugar na pinaniniwalaang pinagtulungang patayin saka itinapon.

COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with