Grenade blast: Stude dedo, 3 kritikal
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Patay ang isang high school student habang tatlo naman kamag-aral ang malubhang nasugatan makaraang su­mabog ang M203 grenade launcher na kanilang napulot sa loob ng paaralan sa Mt. Sirongan, Lakewood, Zamboanga del Norte kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Supt. Rogelio Alabata, spokesman ng Police Regional Office 9, namatay sa naganap na pagsabog si Jhony Daluyon na sinasabing nakapulot  ng M203 ammunition sa paglalakad nito sa madamong bahagi ng  Mt. Sirongan.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang mga kamag-aral na sina Rodolfo Halius, Crishame Repute at si Alonafe Clarabal, mga 13-anyos na nasa Grade 7.

Sa imbestigasyon, dinala at ibinaon ng estudyante ang na­sabing rifle grenade sa likuran ng Grade 7 classroom sa Comprehensive National High School sa Brgy. Poblacion.

Bandang alas-7:30 ng uma­ga, sumabog ang granada sa nasabing eskuwelahan matapos na hukayin ni Daluyon ang eksplosibo sa likuran ng kanilang klasrum.

Nabatid na pinaglaruan at kinalikot ito hanggang sa ma­bitawan na tumama sa semento.

Kasunod nito, isang malakas na pagsabog ang narinig sa lugar kung saan napuruhan sa insidente si Daluyon habang isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatang mag-aaral.

STUDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with