^

Bansa

Suporta ng military kay Duterte malakas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Idiniin kahapon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduardo Año na mataas ang moral ng AFP na ma­lakas na sumusuporta sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya malayong magsagawa ng kudeta ang militar laban dito. Ginawa ni Año ang pahayag kaugnay ng pinalutang na ulat ni Communication Secretary Martin Andanar na patuloy itong nakakatanggap ng impormasyon hinggil sa nilulutong kudeta laban kay Duterte.  Pero nilinaw ni Año na  dumidistansya ang AFP sa anumang isyu sa pulitika  at ta­nging naka-pokus lamang sa mandato nito na protektahan ang estado gayundin ang mamamayan. Idinagdag ng heneral na tumatalima sa itinatadhana ng Saligang Batas ang AFP at bukod dito ay natuto na sa kasaysayan ng mga bigong kudeta para masangkot pang muli sa pag-aaklas laban sa pamahalaan.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with