‘Di-exempted sa number coding
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2017 - 12:00am

Laminated media logo, MMDA, LTO stickers

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kagawad ng media na hindi maaaring gamitin ang mga laminated logo ng kanilang kumpanya at maging mga stickers para sa exemption sa “number coding policy” ng ahensya.

Nilinaw ni MMDA spokesperson Celine Pialago na ta­nging mga opisyal na service vehicles na may tamang mar­king sa katawan tulad ng mga painted o vinyl stickers sa car body ang otomatikong exempted sa number co­ding. Hindi umano pupuwede ang pina-laminate na company logo na may malaking “MEDIA” na inilalagay sa harap at likuran ng personal na mga sasakyan na nagkalat ngayon kahit na hindi lehitimo ang mga diyaryo o kumpanya.

Pinaalalahanan din ng MMDA ang ibang mga motorista na hindi sila makakaligtas sa number coding sa pagkakabit ng logo ng ahensya o maging ng Land Transportation Office o iba pang ahensya ng pamahalaan na nabibili lang kung saan-saan.

Ito ay kaugnay ng pagkakansela ng MMDA sa pagtanggap at pag-apruba ng mga aplikasyon para sa exemption sa number coding.

Una nang ikinatwiran ni Chairman Tim Orbos na hindi rin makakamit ang nais nilang mabawasan ang mga sasakyan sa kalsada kung patuloy silang tatanggap at mag-aapruba ng mga aplikasyon para sa ­exemption na tambak na umano sa ahensya.

Patuloy namang otomatikong exempted sa number coding ang mga sasakyan ng pamahalaan, trak ng bumbero, police at military vehicles, ambulansya, at iba pa.

Samantala, pinayagan na rin naman ng MMDA ang pagdaan ng mga trak na may kargang gasolina, krudo at aviation fuel sa EDSA mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw. 

Ito ay makaraan ang kahilingan sa pamahalaan ng Petroleum Industry of the Philippines na payagang makadaan ang kanilang delivery trucks para hindi maapektuhan ang biyahe ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Kontribusyon na rin umano ito ng MMDA sa ekonomiya at turismo ng Pilipinas.

CELINE PIALAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with