Ayon kay Kabayan Rep. Ron Salo, naglabas na re­solution noong Enero 12,2017 ang board of trustees ng kanilang partido kung saan pirmado ito ng mayorya ng 12 na miyembro nito.
File photo
Rep. Roque sinipa sa Kabayan partylist
Butch M. Quejada, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Tinanggal na ng Kabayan partylist si Rep. Harry Roque bilang miyembro ng kanilang partido.

Ayon kay Kabayan Rep. Ron Salo, naglabas na re­solution noong Enero 12,2017 ang board of trustees ng kanilang partido kung saan pirmado ito ng mayorya ng 12 na miyembro nito.

Sa botong 10 na pabor at 2 abstained, ay inalis si Roque bilang miyembro ng Kabayan partylist at hindi na rin ito pinapayagang katawanin ang kanilang partylist sa Kamara bilang unang nominee.

Ang nasabing resolusyon ay inilabas matapos umano ang masusing deliberasyon ng board of trustees, konsultasyon sa party members at supporters nila.

Dahil dito, kaya nagsumite na ng liham ang Kabayan partylist sa House of Representatives Electoral Tribunal para ipaalam ang kanilang naging desisyon.

Nauna ng napag-initan ng mga miyembro ng Kaba­yan si Roque dahil sa umano’y bastos na pagtatanong niya noon kay Ronnie Dayan nang humarap ito sa imbestigasyon ng Kamara tungkol sa drug trade sa NBP at iba pang isyu.

KABAYAN PARTYLIST SI REP. HARRY ROQUE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with