Matapos na dumalo sa kaarawan ni Philippine National Police Chief Director general Ronald “Bato” dela Rosa, isasantabi na lamang ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang panawagan niyang magbitiw sa puwesto ang pinuno ng PNP.
Alvarez at PNP chief okay na
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Matapos na dumalo sa kaarawan ni Philippine National Police Chief Director general Ronald “Bato” dela Rosa, isasantabi na lamang ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang panawagan niyang magbitiw sa puwesto ang pinuno ng PNP.

Sinabi ni Alvarez na nasabi na niya ang gusto niyang sabihin at tama na iyon, kailangan lang niyang magsalita dahil may mala­king nangyaring kimen sa loob mismo ng Camp Crame.

Paliwanag ni Speaker, okay na sila ni dela Rosa at sa kanyang pagdalo sa pagdiriwang sa kaarawan nito ay nagpapatunay lamang na nananatili silang magkaibigan.

Sa isyu naman umano ng pagbibitiw ay nagkaliwanagan na silang magkaibigan at pinayuhan niya ito na ipagpatuloy lang ang ginagawang pag­laban sa krimen.

ALVAREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with