Ospital na tumangging i-admit ang buntis, napaanak sa taxi iimbestigahan ng Senado
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2017 - 12:50am

MANILA, Philippines - Iimbestigahan ng Se­nate committee on health ang kaso ng isang buntis na napaanak sa loob ng isang taxi matapos tanggihan umano ng ospital na posibleng lumabag sa Anti-Hospital Deposit Law.

Ito ang tiniyak ni Sen. Risa Hontiveros chairman ng komite kaugnay sa napaulat na panganganak ng isang buntis matapos tanggihan ng dalawang ospital noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Hontiveros na isasama nila sa kanilang agenda ang nasabing insidente sa ikalawang hearing ng panukalang batas na naglalayong palakasin pa ang Republic Act 8344.

Ipinagbabawal sa nasabing batas na manghingi ng deposito ang mga ospital bago gamutin o tanggapin ang isang pasyente.

Nagsagawa ng field investigation ang tanggapan ni Hontiveros kung saan napag-aalaman nila na tinanggihan ng isang public hospital sa Caloocan City ang buntis na si Aira Arellano matapos ma-assessed na dumaranas umano ito ng premature labor kaya nagtungo sa kasunod na pinakamalapit na ospital si Arellano pero napaanak na ito sa loob ng taxi.

Dinala ng mga rescuers at mga miyembro ng media si Arellano sa isang pribadong ospital sa Fairview, Quezon City pero ang tanging ginawa umano sa nasabing ospital ay ang pagputol sa pusod o umbilical cord ng sanggol at sinabing hindi kakayanin ni Arellano ang bayad sa nasabing ospital kaya dinala na lamang ito sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Ayon naman umano sa staff ng EAMC na nag-admit kay Arellano, regular ang panganganak nito.

“She was a victim of a private hospital that refused to admit her because she couldn’t afford the deposit demanded of her, and a public hospital that lacked facilities. We cannot tolerate hospitals denying mothers and their children health services in their time of urgent need,” ani Hontiveros.

OSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with