Peace covenant, nilagdaan ng Muslim community at QC police
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nilagdaan ng lahat ng mga lider ng Muslim community ng Brgy. Culiat at ng mga opisyal ng Quezon City police  ang isang peace covenant  upang magkatuwang na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

Nakasaad sa kasunduan na ang  lahat ng lider ng muslim community ay titiyaking  may sapat na seguridad ang Salaam Compound habang ang QC Police ay maglalagay ng sampung unipormadong pulis na magbabantay sa police detachment sa naturang lugar.

Nakasaad din sa kasunduan ang pagkakaloob ng identification cards sa lahat ng residente ng Salaam Compound at isuko ang mga armas at bala  na walang lisensiya.

Sa kanyang panig, sinabi ni Mayor Herbert Bautista na kailangang magkaroon sila ng pagtatala sa mga miyembro ng Muslim communities sa ilalim ng QC Muslim Consultative Council  para sa kapakanan ng kani-kanilang mga pamilya.

Binigyang diin din dito ang kahalagahan ng pagsasagawa ng regular na pag -uusap sa pagitan ng pulisya at Muslim leaders upang mabilis na matutugunan ang ibat- ibang mga isyu at mapa­tingkad ang kooperasyon sa pagitan ng magkabilang panig.

MUSLIM COMMUNITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with