Ayon kay Manuel Co, Administrator ng Board of Pardon and Parole ng Department of Justice (DoJ), noong Disyembre 29 ay naiproseso na nila ang dokumento ng mga inmates mula sa Bureau of Corrections para tuluyang mapalaya dahil sa mga iniindang sakit at dahil na rin sa katandaan.
Philstar.com/File
Paglaya ng 127 bilanggo pirma na lang ni Digong
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pirma na lamang daw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para tuluyang mapalaya ang 127 mga bilanggong may karamdaman at may edad na 80-anyos pataas.

Ayon kay Manuel Co, Administrator ng Board of Pardon and Parole ng Department of Justice (DoJ), noong Disyembre 29 ay naiproseso na nila ang dokumento ng mga inmates mula sa Bureau of Corrections para tuluyang mapalaya dahil sa mga iniindang sakit at dahil na rin sa katandaan.

Aniya, naipadala na rin kay Pangulong Duterte ang kanilang rekomendasyon pero dadaan pa ito sa pro­seso at ire-review pa ng isang tanggapan sa Malacañang.

Karamihan sa mga inmates na inirekomendang mapalaya ay mula sa Correctional Institution for Women (CIW).

Kinumpirma naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na 127 sa kabuuan ang mga inmate na inirekomenda ng DOJ sa pamamagitan ng Board of Pardon and Parole na mabigyan ng pardon at commutation.

Isinumite umano ang listahan sa Palasyo bago mag-Pasko, pero dahil sa dami ng mga isyung tinututukan ng Malacañang, hindi naihabol ang pagpapalaya sa mga nasabing inmate nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon.

Mula sa 127, 14 sa mga ito ay matatanda na ang edad ay 70 hanggang 90 taong gulang.

Dalawa ang hiniling na mabigyan ng absolute pardon; 18 ang conditional pardon without parole; 14 ang conditional pardon with parole condition habang 100 ang napagkalooban ng commutation of sentence.

Kasama rin sa bilang ang mahigit 30 inmate na inirekomendang mabigyan ng pardon nuon pang nakaraang administrasyon.

Kung saka-sakali, ito ang kauna-unahang pardon na aaprubahan ng Malacañang sa loob ng anim na taon dahil wala umanong inaprubahang pardon si dating Pa­ngulong Noynoy Aquino nuong panahon ng kanyang termino.

PANGULONG RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with