Duterte bibisita sa Russia
MANILA, Philippines - Bibisita sa Russia sina Pangulong Rodrigo Duterte at Defense Sec. Delfin Lorenzana sa susunod na taon.
Ito’y sa gitna ng pahayag ni Pangulong Duterte na nais niyang makipag-alyansa sa Russia dahil iniidolo umano niya si Russian President Vladimir Putin.
Sinabi ni Lorenzana na maaring isagawa nila ang pagbisita sa Abril o Mayo 2017 kapag hindi na gaanong malamig ang klima sa Russia.
Sinabi ni Lorenzana na makakasama rin nila ng Pangulo sa Russia si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.
“They are (Russia) okay, there are very agressive and we were able to established military to military relationship with them. Its not an alliance only an exchange of students, of personnel and participation in exercises, more on an observer on exercises,” punto pa ni Lorenzana.
“They also want to sell hardwares so we will look at it to determine if we will need it. So far nothing is available. Maybe one of these days if they will become available, the sample, in order for us to test it,” giit pa nito.
Sinabi nito na plano ng Russia na magbenta ng drones at submarine sa Pilipinas pero masyadong mahal ang mga submarine.
Kaugnay nito, nakatakda namang bumisita sa bansa ang dalawang barkong pandigma ng Russian Navy para sa 5 day goodwill visit nito sa bansa sa Enero 2017.
Sinabi ni Navy Capt. Lued Lincuna, director ng Naval Public Affairs Office na ang Russian Navy vessels Admiral Tributs, isang malaking anti-submarine ship at ang Boris Butoma, isang malaking sea tanker ay darating sa Pier 15 sa South Harbor, Manila mula Enero 2-7, 2017.
- Latest