Quezon City fire: Bata patay
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang 7-anyos na batang lalaki ang nasawi sa sunog na sumiklab sa residential area sa Barangay Tagumpay, Cubao Quezon City kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police Station 8, nakilala ang nasawi na si John Paul Villamor, residente sa, P. Tuazon Blvd., Brgy. Tagumpay, QC. Habang sugatan naman ang isang Lawrence Pinggo, volunteer ng Philippine National Red Cross.

Sa imbestigasyon PS-8, nagsimuLa ang sunog sa may bahay ng pamilya Villamor at Bolano, dakong alas- 3:20 ng hapon.

Madali anyang kumalat ang apoy dahil gawa lamang ito sa light materials hanggang sa madamay na rin ang iba pang bahay na kadikit nito.

Umakyat sa ikalimang alarma ang sunog bago tuluyang ideklarang fire out ito ni Senior Supt. Manuel Manuel, city fire marshal dakong alas-7:21 ng gabi,

Nang isagawa ang clearing operation sa lugar ay saka nadiskubre ang sunog na bangkay ng bata sa ikatlong palapag ng kanilang bahay.

Tinatayang aabot sa 35 bahay ang napinsala at tinatayang nasa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasabing sunog. Habang aabot naman sa P500,000 ang halaga ng ari-ariaan nasira rito.

Inaalam pa ang ugat ng nasabing sunog.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with