Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman Ricardo Jalad, nakahanda na ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) mission sa mga lugar na nasasaklaw ng Tropical Cyclone War­ning Signal (TCWS) 5, 4, 3, 2 at 1.
Dost_pagasa facebook page
Forced evacuation kay ‘Lawin’
Angie dela Cruz, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Upang maiwasan ang disgrasya, nagpatupad na kahapon ang mga opisyal ng pamahalaan at security forces ng preemptive at forced evacuation sa ilang lalawigan sa Northern Luzon na direktang tatamaan ng matinding hagupit ng bagyong Lawin na tuluyan nang naging super typhoon.

Ito’y matapos na isai­lalim na sa signal no. 5  ang lalawigan ng Isabela, Cagayan, Kalinga at Apayao.

Ayon kay Aldczar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, ang mga lugar na ito ay makakaranas ng matinding lakas ng ulan na maaaring magdulot ng flashfloods, landslides at pagkawala ng suplay ng kuryente at pagkabunot ng mga puno sa lupa.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman Ricardo Jalad, nakahanda na ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) mission sa mga lugar na nasasaklaw ng Tropical Cyclone War­ning Signal (TCWS) 5, 4, 3, 2 at 1.

Inutos na rin ng mga gobernador, mayor at iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan base sa babala ng NDRRMC ang preemptive evacuation sa mga flood at landslide prone areas sa Northern Luzon at Cordillera Administrative Region (CAR).

Samantala, nagbabala rin sa panganib ng storm surges o daluyong ng dagat sa hilagang bahagi ng Cagayan at pinayuhan ang mga residente sa baybayin ng Sta. Ana, Gonzaga, Boguey at Aparri na magsilikas sa mga matataas na lugar. 

Pinag-iingat rin ang mga residente na naninirahan sa mga paanan ng bundok sa posibleng landslide.

Inaasahang magla-land­fall ang bagyo sa Miyer­kules ng gabi o sa umaga nitong Huwebes.

Kaugnay nito, inatasan na ni Isabela Governor Faustino Dy III ang Provincial Police Office ng kanilang lalawigan na ipa­tupad na ang forced evacuation laban sa matitigas ang ulong mga evacuees.

Sa isang radio interview, sinabi ni Dy na kung kinakailangang bitbitin  ang mga pasaway na residente ay gawin ito upang madala ang mga ito sa mga evacuation center. 

Nabatid na lalo pang lumakas ang bagyong Lawin kung saan ang hangin ay umaabot na sa 225 kph at may pagbugso na nasa 315 kph habang may lawak itong umaabot sa 800 kilometers.

Bahagya namang bu­magal ang pag-usad ng bagyo na nasa 24 kph sa direksiyon na west northwest.

Nasa ilalim naman ng tropical cyclone warning signal no. 4 ang Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao at Calayan Group of Islands. Signal no. 3 sa La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora.

Signal no. 2 sa Batanes Group of Islands, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Aurora, Tarlac, Nueva Ecija, Northern Zambales, Northern Quezon kasama na ang Polillo Islands.

Signal no. 1 sa nala­labing bahagi ng Zambales, Bulacan, Bataan, Pampanga, Rizal, nalalabing bahagi ng Quezon, Cavite, Laguna, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Metro Manila.

Ang mga lugar na nasa signal number 5 hanggang signal number 2 ay ina­abisuhan din ng Pagasa na posibleng umabot sa 14 meters ang taas ng storm surge lalo na sa mga coastal areas.

 

NORTHERN LUZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with