_ngayon
^

Mandatory drug test sa government employees, mga estudyante sa public schools, hingi

Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2016 - 7:28pm

MANILA, Philippines - Iminumungkahi ng ilang kongresista sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkakaroon ng mandatory drug testing sa mga kawani ng pamahalaan at mga estudyante sa pampublikong paaralan.

Sa ilalim ng House Bill 3611 ni Masbate Rep. Scott Davies S. Lanete, gusto niyang magsagawa ng random drug testing sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan.

Sa  House Bill 3191 naman ni Misamis Oriental Rep. Peter M. Unabia, mandatory drug testing sa lahat ng ahensya ng gobyerno ang nais nito.

Samantala ang HB 3640 ni Agbiag partylist Rep. Michelle M. Antonio, ang nagtutulak ng taunang drug testing sa lahat ng estudyante sa high school, kolehiyo at eskwelahang teknikal at bokasyunal sa bansa. 

Pinasalamatan ni Rep. Robert Barbers, pinuno ng House Committee on Dangerous Drugs, ang mga tumulong sa pagba­langkas ng batas sa drug testing sa bansa. Aniya, mas epektibo at mura ang mapigilan ang abuso sa droga sa pamamagitan ng mandatory o random drug testing kaysa ang gamutan at rehabilitasyon ng nalulong na sa bawal na gamot. 

Ayon kay Rep. Arnolfo Teves, ang isang drug test kit ay nagkakahalaga ng P37.  

Sabi ni Teves, dapat ibaba ang presyo nito o pabayaran sa magpopositibo sa drug test.

DRUG TEST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with