77th founding anniversary ng Quezon City mga manggagawa ng City Hall, kinilala
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kinilala ni Quezon  City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga naiambag na tulong ng mga tauhan ng QC hall bilang bahagi ng mga tagapagtaguyod ng mga proyekto at programa sa pagdiriwang ng ika -77 taong founding anniversary ng Quezon City kahapon.

“Maging taga-timpla ng kape, taga-walis ng sahig, ang lahat ng mga manggagawa ng QC ay bahagi ng pag-unlad ng ating lungsod, kahit hindi maipangalan ang mga kalsada at gusali at iba pang proyekto sa pangalan ng bawat tauhan ay kaparte sila rito upang maitayo at maipagawa ito”, pahayag ni Belmonte.

Pinarating din nito sa mga manggagawa ng QC hall na ang lahat ay pantay-pantay kahit na anu pa ang posisyon ng mga ito sa lokal na pamahalaan.

“Dito sa QC, ang lahat ng mga manggagawa ay pantay- pantay, walang VIP dahil lahat kayo ay VIP”,  dagdag ni Belmonte sa okasyon.

Samantala, hindi naman naituloy ang wreatla­ying ceremony kahapon sa QC hall bilang bahagi ng founding anniversary ng lunsod dahilan sa ipinag-utos ni QC mayor Herbert Bautista na ipagpaliban ito dahil hindi siya makakarating sa QC hall.

QUEZON CITY
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with