‘One time, big time operation sa Malabon: 40 inaresto
ABOUT SHOWBIZ - Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Higit sa 40 katao kabilang ang 13 hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang inaresto ng mga tauhan ng Malabon City Police sa ikinasang ‘one time, big time ope­ration’ sa limang barangay sa lungsod mula kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Northern Police District, dakong alas-2 ng hapon nang mag-umpisang magkasa ng magkakasunod na operasyon ang 164 tauhan ng Malabon Police sa pangu­nguna ni Police Chief Insp. Lucio Sima­ngan bilang ground commander kasama ang mga tauhan ng District Public Safety Battalion at nilusob ang mga target na lugar sa mga barangay Longos, Anonas, Baritan, Taniong at Hulong Duhat. 

Kabilang sa mga naaresto ang mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga, gayundin ang pito pa na may kinakaharap na warrant of arrest sa ibat-ibang kaso.

Nasa 13 katao ang inaresto dahil sa hindi pagsusuot ng damit pang-itaas na paglabag sa lokal na ordinansa habang walo pang katao ang dinala rin sa himpilan ng pulisya para isailalim sa berepikasyon.

Ipinagmalaki ni Malabon City Police chief, Senior Supt. John Chua na naisagawa ang operasyon ng walang naitalang “casualty” sa panig ng pulisya at ng mga suspek.

MALABON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with