Kaso ng OFW na ni-rape at nasawi sa Saudi, pasok sa Senado
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - September 3, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nais ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado tungkol sa trahedyang sinapit ng overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia na si Avila Edloy na sinasabing paulit-ulit na pinagsamantalahan ng kanyang employer at ginulpi sanhi ng kanyang pagkasawi. 

Inihain ni Pimentel ang isang resolusyon na naggigiit sa Senate committees on foreign relations, at labor, employment and human resources na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ni Edloy. Ipinunto nito ang ilang probisyon sa Konstitusyon na nag-aatas sa estado na bigyan ng “full protection” ang mga manggagawa sa ibang bansa lalo na ang mga kababaihan.

Ayon kay Pimentel, ang pagkamatay ni Edloy ay nagpapaalala sa lahat ng pakikipagsapalaran ng mga OFWs lalo na  mga kababaihan na nagtratrabaho bilang mga domestic workers.

Si Edloy, 35,  ay dumating sa Saudi Arabia noong Hulyo 28, 2016 bilang recruit ng Rejoice Employment International Corporation para sa principal employer na Al Sayyar Recruitment ng Riyadh. Pero matapos lamang ang isang buwan, dinala ito sa King Salman Hospital matapos magkaroon ng matinding injuries na pinaniniwalaang sanhi ng sexual assault.

LICENSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with