^

Bansa

Digong kay Leila: Magbigti o magbitiw ka!

Rudy Andal at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Leila de Lima na mas makabubuting magbigti na lamang o mag-resign siya bilang miyembro ng Senado.

Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay ginawa sa isang media interview matapos dalawin nito si PO1 Nestor Villanueva habang nakaratay sa St. Paul Hospital sa Tacloban City nang masugatan sa anti-drug operations ng pulisya. “If I were De Lima, I’ll hang myself. Dapat mag-resign na si De Lima. The innermost of your core as female is being serialized everyday. You should resign,” wika pa ni Pangulong Duterte.

Magugunita na si De Lima ang pinakamataas na opisyal ng gobyerno na inakusahan ni Pangulong Duterte na sangkot sa illegal drug operations sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa inilabas nitong matrix kasama ang kanyang driver-lover na si Ronnie Dayan.

Samantala, agad na sumagot si De Lima at sinabing wala siyang planong mag-resign bilang senador. Aniya, naisip na niya noon na magbitiw sa puwesto para lamang matigil na ang mga paninira laban sa kanya pero  napagtanto niya na ang pagbibitiw sa puwesto ay maituturing na pag-amin sa akusasyon at isang senyales ng kahinaan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with