SB, chair ng Special Committee on WPS
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Itinalaga na ng liderato ng Kamara de Representantes si dating House Speaker Feliciano Belmonte bilang chairman ng “Special Committee on the West Philippine Sea (WPS)”.

Ang nasabing komite ay bagong tatag lamang sa Kamara ngayong 17th Congress, sang-ayon na rin sa suhestyon ng dating speaker.

Maliban kay Belmonte, itinalagang chair si Lipa Rep. Vilma Santos-Recto sa House committee on civil service and professional regulation. Tanging si Santos-Recto ang nabigyan ng chairmanship sa Kamara dahil karaniwang hindi binibigyan ng chairmanship ang first termer.

Si Act Party-list Rep. Antonio Tinio naman ang chairman ng House committee on public information, ang komite na nagtatalakay ng kontrobersyal na Freedom of Informaton (FOI) bill. Siya ay pangatlo na sa miyembro ng Makabayan bloc na nabigyan ng chairmanship bilang bahagi ng super majority kung saan una ng itinalaga bilang chairman ng Natural Resources committee si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with