No. 2 drug lord ng Cebu sumuko kay Bato
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 9, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Sumuko kamakalawa ng gabi kay Philippine National Police (PNP) Chief P/Director Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang itinuturing na No. 2 drug lord ng Central Visayas Region na sumasaklaw sa Cebu.

Sa press briefing sa Camp Crame, iniharap sa mediamen nitong Lunes  si Franz Saba­lunes  at inamin ang koneksyon niya kay Jaguar Diaz, ang no. 1 drug lord sa Cebu. Si Diaz ay napatay sa anti-drug operation ng mga operatiba ng pulisya noong Hunyo sa Las Piñas City  bago pa man maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

 “Gusto ko nang magbago kaya ako sumuko”, pinong pahayag ni Franz sa panayam ng mediamen sa Multi Purpose Hall ng Camp Crame.

 Si Sabalunes ay sumuko kasama ang kapatid nitong si San Fernando, Cebu Vice Ma­yor Fralz Sabalunes  na kabilang sa drug watch list ni Pangulong Duterte na binigyan ng 24 oras na ultimatum para sumurender sa Camp Crame.

Ayon naman kay Vice Mayor Fralz, ang kapatid niya ang drug lord at wala siyang kinalaman sa illegal drug trade nito pero hindi kumbinsido si dela Rosa dahilan sa magkadugo ang dalawa at posible umanong pinondohan pa ng drug lord ang kandidatura ng kaniyang kapatid sa nakaraang  May 9 polls.

“Baka nagkamali lang si Presidente, hindi ako yun, wala akong kinalaman sa droga”, pagtanggi naman ni Fralz na sinabing wala siyang nalalaman sa illegal drug trade ng kapatid at ikinagulat ang kusang pag-amin nito na isa itong drug lord.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with