Mandatory drug testing sa mga empleyado ng gobyerno suportado ng Malacañang
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 10, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tinawag na ‘welcome development’ ni Presidential spokesman Ernesto Abella ang mga panawagan na isailalim din sa mandatory drug test  ang lahat ng empleyado ng pamahalaan.

Ayon kay Abella, dapat ding patunayan na ang lahat ng mga nagta-trabaho sa gobyerno ay maayos  sa gitna ng masigasig na kampanya ni President Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Sinabi pa ni Abella na maituturing na isang symbolic act kung maipapakita na karapatdapat maglingkod sa mga mamamayan ang mga nasa pamahalaan.

“Just to prove to the people na lahat ng mga tao natin ay maayos naman. So that ano — that should not be a deterrent, but also more than that, it’s not a question of exposing but it’s a question of expressing, it’s a symbolic act ‘no. It’s a very powerful symbolic act, na pinapakita natin na tayong mga nagsisilbi sa gobyerno ay maayos na mga tao ‘yan at they are people worthy of our trust,” paliwanag ni Abella.

Idinagdag rin nito na prayoridad ng administrasyon ni Duterte na maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno.

“Kasi ‘yun naman talaga ang priority ng Presidente na maisoli ‘yung trust and faith in the government,” dagdag ni Abella.

Samantala, idinagdag ni Abella na iniiwasan ni Duterte na makontrol ng mga drug lords at protektor ng ilegal na droga ang pamahalaan lalo na tuwing nagkakaroon ng halalan.

“Yun nga ina-avoid niya (Duterte) na that the Philippines falls into narcopolitics. Because apparently, may mga mayors who have already acted independently of their parties na hindi na sila humihingi roon because apparently meron silang sariling sources of funds and most probably, it would be coming from that,” pahayag ni Abella.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with