Midnight reso sa DOJ busisiin – Drilon
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nais ni Senate President Franklin Drilon na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado kaugnay sa kontrobersyal na “midnight resolution” sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Drilon, na dati ring humawak sa DOJ, hindi ito simpleng alegasyon lalo pa’t nauna na ring umugong ang isyu ng “justice for sale” naman sa mga korte dahil sa umano’y bentahan ng mga “temporary restraining order (TRO)” pabor sa isang panig sa kaso.

Bagama’t itinanggi na ni outgoing Acting Justice Secretary Emmanuel Caparas ang isyu, sinabi ni Drilon na dapat pa rin itong siyasatin upang mabigyang linaw lalo na ang publikong umaasa sa patas na batas buhat sa pamahalaan.

Ito rin umano ay upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat panig na mailahad ang kani-kanilang mga argument at makamit ang tunay na katarungan base sa itinatadhana ng batas ng bansa.

Una nang nagpahayag ng pagkabahala ang grupong Filipino Alliance for Transparency and Empowerment (FATE) sa posibilidad ng paglalabas ng midnight resolutions sa DOJ lalo pa’t patapos na ang administrasyong Aquino.

Ayon sa FATE,  sinasabing may mga resolusyon sa ilang kaso sa DOJ ang nais na baguhin ng opisina ng kalihim na mariing tinututulan ng grupo.

Maging si incoming DOJ Sec. Vitaliano Aguirre, Jr. ay nais na pa-imbestigasyon ang nasabing isyu sa kanyang pag-upo sa puwesto.

 

ABU SAYYAF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with