Itinaas ng mga druglords: P100-M sa ulo ni Duterte, D’ Rock
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - June 10, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ibinunyag kahapon ni incoming PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa na itinaas sa P100 mil­yon ang bounty nila ni President-elect Rodrigo Duterte ng mga drug lords para sa kanilang ulo.

Naunang nabunyag na nag-alok ng P10-M ang mga druglords para sa sinumang makakapatay sa kanila ni Duterte.

“As of yesterday, they increased the bounty to P50 million. For Mayor Duterte, P50 million for me. In-increase nila dahil nahirapan daw silang maghanap ng takers. No takers sa P10 million, so in-increase nila to 50 million,” wika pa ni Chief Supt. Dela Rosa sa ANC.

Nasa kamay na ng incoming PNP chief ang listahan ng mga bigtime drug lords na umano’y nagtatangka ngayon sa kanilang buhay ni Duterte.

“Kahit na hindi sila mag-death threat sa akin, may action talaga kaming gagawin sa kanila. Dahil sa atraso nila sa drugs, may aksyon talaga kaming gagawin,” he said.

Desidido si President Duterte na durugin ang drug syndicate sa bansa lalo ang mga sangkot na pulis at local executives.

FIESTA FILIPINO AT THE LOBBY PENINSULA MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with