^

Bansa

NDRRMC naghahanda na sa La Niña

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang ginagawang paghahanda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang matugunan ang banta ng La Niña sa bansa.

Ayon kay Mina Marasigan, tagapagsalita ng NDRRMC, bagama’t sinasabi ng PAGASA na ang La Niña ay maaaring maranasan ng ating bansa sa last quarter ng taon hanggang sa mas maaga sa susunod na taon.

Sinabi ni Marasigan na nagpapatuloy aniya ang kanilang kampanya para bigyan ng kaalaman ang mamamayan ukol sa posibleng kakaharaping sakuna.

Partikular dito ang pagpapatibay ng kanilang bahay, pagputol ng punong kahoy sa kanilang paligid, paglilinis ng estero, pag­huhukay o dregging ng ating mga ilog, katuwang ating lokal na pamahalaan.

Dahil ang La Niña anya ay maaring magdala ng patuloy na pag-ulan na magdudulot ng pagbaha sa ating mga lugar.

Aniya, bagama’t tag-ulan na pero may nararanasan pa ring mainit na panahon, kailangang paghandaan ito nang ma­buti upang maiwasan ang anumang mangyaring masama pagsapit ng ma­lakas na buhos ng ulan na makapagdudulot ng pagbaha.

Sa mga liblib na lugar, patuloy ang ginagawang pag-aaral o estratehiya ng ahensya para makara­ting sa mga mamamayan ang mga babala dahil sila ang karaniwang naapek­tuhan kapag may bagyo o sakuna. Maglalagay din sila ng emergency integration center.

Bukod dito, ang PAGASA ay nagde-develop umano ng mga application o nasa testing stage na para agarang aksyon, bukod sa makakatanggap ng tungkol sa balita nangyayari, at agad ding maipapalabas ang thunderstorm warning at rainfall warning sa mga mobile phone.

Mananatili rin aniya ang programang project Noah dahil sa malaking naitutulong nito sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa bagyo o sakuna.

RODRIGO DUTERTE

THANKSGIVING PARTY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with