_ngayon
^

Bansa

Road repair ng DPWH ngayong weekend

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Trapik na naman ngayong weekend dahil magsasagawa na naman ng road repair at re-blocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang lugar ng Kalakhang Maynila.

Base sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas-10:00 kagabi nang simulan ang road re-blocking at bubuksan naman ito alas-5:00 naman ng madaling araw sa Lunes (Mayo 30).

Apektado ang Commonwealth Avenue southbound, harapan ng Commonwealth Market hanggang West Riverside Overpass (2nd lane from center island).

Kasama rin ang Commonwealth Avenue northbound mula  Ever Gotesco Mall hanggang  St. Peter Chapel (2nd lane from center island);  at Congressional Avenue Extension eastbound mula Visayas Ave. hanggang harapan ng Tierra Pura Subd. (2nd lane from island).

Payo ng  MMDA sa mga motorista,  na iwasan ang nabanggit na mga lugar upang hindi maabala sa trapik at gumamit ng mga alternatibong ruta, tulad ng  Visayas Avenue, Mindanao Ave­nue, Tandang Sora Ave­nue, at Commonwealth Avenue.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with