^

Bongbong wala na raw habol kay Leni

Rudy Andal at Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2016 - 10:00am

MANILA, Philippines – Naniniwala ang kampo ni vice presidential bet at Camarines Sur Rep. Leni Robredo na wala nang habol si Sen. Bongbong Marcos.

Sinabi ni Robredo sa kanyang mensahe matapos ang misa sa Ateneo de Manila University, nagpapasalamat siya sa kanyang mga supporters na hindi bumibitaw sa laban.

Ayon kay Boyet Dy, wala nang habol si Marcos at nakakasiguro na ang panalo ni Robredo.

Gitgitan pa rin ang laban nina Marcos at Rob­redo subalit nasisiguro ng kampo ni Leni na wala nang habol si Marcos kahit ito pa ang nanalo sa absentee voting sa mga OFW’s.

Kaugnay nito, nanawagan si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe kay Bongbong na mag-concede na kay Leni.

Ayon kay Batocabe, ang pinakamabuting gawin ngayon ni Marcos ay irespeto ang resulta ng halalan at ibigay na sa tunay na nanalo ang pagiging bagong Bise Presidente ng bansa, at ito ay kay Robredo.

Ipinaalala pa ng mam­babatas ang ginawang pag-concede ng mga kandidato sa pagka-Bise Presidente nang walang sabi-sabi na nadaya sila.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with