^

Castelo humirit sa LTFRB: Uber, Grab rates tapyasan

Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2016 - 10:00am

MANILA, Philippines – Hiniling ni Rep. Winston “Winnie” Castelo sa Land Transportation and Franchise Regulatory Board na ibaba ang singil ng mga Transportation Network Vehicle Service (TNVS) tulad ng Uber at Grab.

Ginawa ni Castelo ang apela matapos inanunsiyo ng LTFRB ang pagbaba sa flagdown rates ng mga taxi sa P30 sa buong bansa simula March 19.

Ang pagbaba sa taxi rates ay bunsod na rin ng epek­to ng mababang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Bago pa ito, ibinaba rin ng LTFRB ang flagdown rate ng mga taxis ng P10 nuong nakaraang taon dahil naman sa sunud-sunod na pagbagsak ng presyo ng gasolina. Sa kabila nito, nanatiling uncalibrated ang mga metro ng taix dahil ang pagbaba ng flagdown rate ay panandalian lamang at ang mga pasahero ay naabisuhan na bawasan ng P10 ang kanilang bayad.

Sa ilalim ng bagong rate, mas mura ang ibabayad ng mga pasahero sa mas mahabang biyahe. Base sa lumang rate, nagbabayad ang mga pasahero ng P3.50 sa kada 300 metro sa daan. Sa bagong rate, magbabayad ang mga pasahero ng parehong halaga kada 500 metro.

“As a corollary, LTFRB should also lower the rates of Uber and Grab for exactly the same reason: lower oil prices in the world market,” ani Castelo.

“All players and stakeholders should operate in the same playing field. We should implement the price reduction across the board without unduly favoring any transport sector,” paliwanang ni Castelo.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with