DPWH naalarma sa pagtaas ng insidente ng prostitusyon sa construction site
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Nababahala ngayon si Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson sa umano’y pagtaas ng insidente ng prostitusyon sa mga lugar malapit sa mga construction site, hindi lamang ng mga proyekto ng pamahalaan kundi maging sa pribadong sektor.

Sa pahayag mula DPWH, umuusbong umano ang mga brothel, videoke bar, at mga karinderyang nagbebenta rin ng panandaliang aliw malapit sa construction sites lalo sa mga liblib na lalawigan. Nagiging parokyano umano ng mga nabanggit na establisimyento ang ilang construction worker.

Dahil dito, iniutos na ng DPWH Committee on Gender and Development o COGAD sa lahat ng kanilang tauhan sa field na ipatupad at sundin ang mga polisiya laban sa mga aktibidad na may kaugnayan sa human trafficking.

Sinabi naman ni DPWH Undersecretary at COGAD Chairperson Maria Catalina Cabral na nagsagawa na ng focus group discussion ang kanilang tanggapan sa mga kinatawan ng Philippine Commission on Women, International Agency Council Against Trafficking at ilang civil society organizations upang sawatain ang naturang problema.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with