^

Bansa

Libreng medical care sa seniors isusulong ni Leni

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hangad ni Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo na maipatupad sa buong bansa ang wellness program na kanyang sinimulan sa ikatlong distrito ng Camarines Sur upang matiyak ang kalusugan ng senior citizens.

“Makatutulong ang programang ito upang ma­­tugunan ang panga­nga­ilangang medikal ng mga senior citizens sa buong bansa,” wika ni Robredo.

Ang programa, kilala bilang “Salud Mo, Kusog Ko”, ay nagbibigay sa senior citizens sa distrito ni Robredo ng libreng medical check up at gamot hanggang sa barangay level.

“Sa pamamagitan nito, natututukan natin ang pa­ngangailangang medikal ng mga senior citizen, mula sa libreng check-up mula sa resident at volunteer doctors,” paliwanag ni Robredo.

“Bibigyan na rin ng training ang mga nasa barangay para sila na ang magre-rehab sa mga senior na na-stroke,” dagdag pa niya.

Ang programa ay mayroong registry na naglalaman ng medical records ng senior citizens sa kanyang distrito, kabilang ang kanilang sakit at kailangang gamot.

“Sa programang ito, nabibigyan natin ng gamot ang senior citizens o kailangang maintenance para sa mga karaniwang sakit na kanilang nararanasan, gaya ng arthritis, hypertension at diabetes sa barangay,” wika ni Robredo.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user