^

Bansa

Senior citizens hirit gawing 56 anyos

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe na ibaba ang retirement age mula 60 taong gulang sa 56 anyos upang makwalipika bilang senior citizen.

Sa House bill 6340 ni Batocabe, layon nito na am­yendahan ang Republic Act no 7432 o Senior Citizens Act na nakasaad na ang isang senior citizen ay may edad na 60 anyos.

Subalit puna ng kongresista, sa ngayon ang mga 56 anyos ay nakakaramdam na agad ng mga sakit sa katawan at mga limitasyon kaya kailangan na nila ang mga benepisyong ibinibigay sa isang senior citizen.

Idinagdag din sa nasabing panukala na ang halaga ng death benefits na makukuha ng senior citizens ay maaaring makuha o matanggap sakaling sumakabilang buhay na ito.

Paliwanag pa ni Batocabe, noong 2010 umabot sa 6.8 porsiyento ng populasyon ng bansa ang senior citizens, kaya pinaamyendahan nito at pinadagdagan ng 3,000,000 recipients ng benepisyo at pribilehiyo sa ilalim ng The Senior Citizens Act na may sapat namang pondo.

 

ACIRC

AKO BICOL

ANG

BATOCABE

IDINAGDAG

ISINUSULONG

REPUBLIC ACT

RODEL BATOCABE

SA HOUSE

SENIOR

SENIOR CITIZENS ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with