^

Bansa

Velasco nanumpa na bilang bagong Marinduque Representative

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inalis na bilang miyembro ng Kamara si Marinduque Rep. Regina Reyes habang pormal na rin nanumpa kamakalawa ng gabi si Lord Allan Velasco bilang bagong kongresista ng lalawigan.

Ang pagtanggal kay Reyes ay alinsunod sa pinal na kautusan ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).

Dahil dito kaya agad na rin pinanumpa ni House Speaker Feliciano Belmonte si Velasco bilang bagong kinatawan ng Marinduque kapalit ni Reyes.

Matatandaan na diniskwalipika si Reyes dahil sa isyu ng pagiging US citizen nito.

“Her (Reyes) name has been deleted from the roll of Congress,” ayon kay Majority Leader Neptali Gonzales matapos manumpa si Velasco bilang nanalong kongresista ng Marinduque noong 2013 elections.

Nangako si Velasco na magiging tapat na lingkod-bayan ng kanilang lalawigan. Tatakbo muli si Velasco sa darating na May 9 elections bilang kongresista sa lone district ng Marinduque sa ilalim ng National Unity Party (NUP).

Magugunita na nagdesisyon ang Korte Suprema 8-6-1 na nag-uutos kay Belmonte na panumpain si Velasco bilang kinatawan ng Marinduque kapalit ni Reyes.

Inatasan din ng SC si House secretary-general Marilyn Barua-Yap na alisin na sa roll of members si Reyes pagkatapos ang oath-taking ni Velasco.

Kinatigan ng High Tribunal ang naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagdidis­kwalipika kay Reyes noong 2013 dahil sa residency issue nito na kapos ng 1 taon.

vuukle comment

HIGH TRIBUNAL

HOUSE OF REPRESENTATIVES ELECTORAL TRIBUNAL

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KORTE SUPREMA

LORD ALLAN VELASCO

MAJORITY LEADER NEPTALI GONZALES

MARILYN BARUA-YAP

MARINDUQUE

MARINDUQUE REP

REYES

VELASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with