_ngayon
^

DepEd sa mga guro: ‘Sa Pinas na lang magturo’

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nakiusap ang pamunuan ng Department of Education sa mga guro na huwag ng mag-abroad sa halip ay sa Pilipinas na lamang magturo.

Ayon kay DepEd Assistant Sec. Jesus Mateo, nakikipagtulungan sila ngayon sa Department of Labor and Employment para hikayatin ang mga guro na nasa abroad na bumalik na lamang sa bansa para magturo.

Aniya, bibigyan ng suweldong P18,000 ang mga ‘newly hired teacher’ na mas mataas kaysa karamihang empleyado sa mga pribadong tanggapan.

Sa pagbubukas ng school year 2016-2017 ay nangangailangan ang DepEd ng may 40,000 na guro bunsod ng implementasyon ng Senior High School (SHS) program ng pamahalaan.

Sa pagtaya ng DepEd, mahigit 1.3 milyon ang sumali sa early registration ng SHS noong Enero 20, na lagpas sa target na 1.2 milyon.

Layunin ng early registration na matukoy ang bilang ng nag-enroll, gayundin ang bilang ng mga kakailanganing guro, itatayong silid-aralan at pagbili ng gamit at pasilidad.

Aabot sa P10 bil­yon ang pondo para sa pagkuha ng guro.

AABOT ACIRC ANG ANIYA ASSISTANT SEC AYON DEPARTMENT OF EDUCATION DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT ENERO JESUS MATEO SENIOR HIGH SCHOOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with