^

Trillanes umeskapo, umiwas sa aresto?

Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Mistula umanong ti­nakbuhan ni Sen. Antonio Trillanes ang arrest warrant na ipinalabas laban sa kanya ng Makati Regional Trial Court nang lumipad siya patungong Amerika.

Sinasabi ng mga ta­gamasid na nagtungo si Trillanes sa United States para sa isang opisyal na misyon ilang araw bago ipinalabas ng korte ang arrest warrant laban sa kanya.

Kinumpirma ng kanyang abogado na nagtungo siya sa US para sa isang opisyal na misyon.

Ipinalabas ng korte ang arrest warrant noong Pebrero 1 kaugnay ng kasong libelo na isinampa laban kay Trillanes ni da­ting Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay.

Ipinahayag ng Makati RTC Branch 142 Judge Dina Teves na may nakitang probable cause sa kasong libelo laban kay Trillanes kaya inutos ang pagpapaaresto sa senador, ayon sa clerk of court na si Atty. Maricel Rufin Cairo.

Isinampa ni Binay ang libelo laban kay Trillanes noong Abril 2015 makaraang sa harap ng publiko ay akusahan ng senador ang alkalde at pamilya nito ng panunuhol ng tig-P25 miltyon sa dalawang justices ng Court of Appeals na dahilan para maglabas sila ng temporary restraining order at writ of preliminary injunction na pumipigil sa pagpapatupad ng suspension order ng Ombudsman laban kay Binay.

Sinuspinde noon ng Ombudsman si Binay dahil sa kasong overpricing sa pagpapatayo ng parking building ng Makati City Hall.

Ayon naman kay Trilla­nes, sinuhulan umano ni Binay ang mga mi­yembro ng CA para maglabas ang mga ito ng TRO laban sa suspension dito.

Inirereklamo naman ni Binay na ang mapanirang mga pahayag ni Trillanes ay gawa-gawa lang na walang ibang layunin kundi sirain ang kanyang reputasyon at ang pangalan niya at ng kanyang pamilya.

ACIRC ANG ANTONIO TRILLANES BINAY COURT OF APPEALS JUDGE DINA TEVES LABAN MAKATI CITY HALL MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR ERWIN MAKATI REGIONAL TRIAL COURT TRILLANES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with