Duterte bibigyan ng tig-isang kwarto sa Malacañan ang dating asawa, live-in partner
(Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 1:45am

MANILA, Philippines - “Para walang gulo, bago na lang. Bagong style."

Ito ang pahayag ni  Davao City Mayor Rodrigo “Rody” Duterte nang sabihin niyang ang anak niya ang gagawin niyang first lady kapag nanalo siyang pangulo sa darating na eleksyon.

Sinabi ni Duterte na ayaw niyang itong maging komplikado kaya naman hindi niya gagawing first lady ang kaniyang dating asawa o ang kinakasama niya ngayon.

“Para walang gulo, bago na lang. Bagong style. Para walang gulo, si Inday na lang. Si Inday Sara,” wika ni Duterte kay Mike Enriquez sa “Ikaw Na Ba?” ng dzBB.

Ikinasal si Duterte kay Elizabeth Zimmerman, isang fligt attendant mula ng Davao City at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng tatlong anak na sina Sara, Paolo at Sebastian.

Noong 1998 ay naghain ng petisyon sa Pasig Regional Trial Court si Zimmerman upang ipawalang-bisa ang kanilang kasal at dalawang taon ang lumipas ay inaprubahan ito ng korte matapos hindi ito kwestiyunin ni Duterte.

Sa kasalukuyan ay kinakasama ngayon ni Duterte si Honeyley, isang nurse at ina ng nag-iisang anak nila na si Veronica.

Sinabi ng Davao City Mayor na kung papayag ang kaniyang dating asawa at ngayo'y kinakasama ay pagsasamahin niya sila sa Malacañan.

“May asawa ako. Hiwalay ako sa first. Mabait itong second wife ko. Kung papayag sila, tag-isang kwarto na lang sila dyan (Malacañang). Nakakaawa naman yung first wife ko. Tig-isang kwarto sila sa Malacañang. Malaki-laking lugar naman yan. Ipatirahin ko na lang dyan. Nakakaawa naman,” sabi ni Duterte.
 

ACIRC ANG ATILDE DAVAO CITY DAVAO CITY MAYOR DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE ELIZABETH ZIMMERMAN IKAW NA BA MALACA MIKE ENRIQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with