^

Bansa

Imprenta ng balota tuloy na sa Pebrero 8

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuloy na ang pag-imprenta ng mga balota sa Pebrero 8.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista, hindi na umano  nila kakayanin pa na hintayin ang magiging desisyon ng Supreme Court (SC) kaugnay sa ruling sa disqualification case laban kay Sen. Grace Poe bago magsimula ang printing ng mga balota.

Sinabi ni  Bautista, na tatlong beses na silang nagtakda nang petsa nang printing ng voters ballot para lamang maantay ang Korte Suprema pero hanggang ngayon ay wala pang desisyon ang kataas-taasang hukuman.

Inamin ni Bautista na gustuhin man nila na antayin ang korte, ay hindi na nila ito magagawa at baka magka-aberya pa ang halalan.

Aabot sa 50 milyon ang paunang balota na iimprenta.

Bukas ay muling ipagpapatuloy ng SC ang oral argument at inaasahang ang Comelec naman ang gigisahin ng mga mahistrado kung bakit ninanais nilang madis-qualify si Sen. Poe.

AABOT

ANG

AYON

BAUTISTA

BUKAS

CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

COMELEC

GRACE POE

INAMIN

KORTE SUPREMA

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with